November 17, 2024

E-SERVICE INILUNSAD NG BI

Ito’y idinesenyo upang mas mapabilis ang mga programa at serbisyong hatid ng naturang ahensiya.

Sa isang seremonya na ginanap sa main office ng BI sa Intramuros, ibinahagi ni Commissioner Norman Tansingo na layon ng bagong platform na mas mapadali na ang travel ng mga foreign tourist na tutungo sa Filipinas.

“They can now swiftly and securely complete their necessary immigration applications end-to-end online,” saad ni Tansingco.

Dagdag pa ni Tansingco na bahagi ito ng kanilang modernisasyon sa BI na malaki ang maitutulong sa mga banyagang nais mag-renew ng kanilang Visa Immigration Clearance Certificate at Tourist Visa Extension na kayang gawin na sa Smart phones.

Sa huli, muli namang siniguro ni Comissioner Tansigco sa publiko na makakaasa ang stakeholders ng BI na patuloy ang kanilang modernization efforts para sa pagpapabuti ng serbisyo at programa ng Immigration system sa ating bansa.

Maaring bisitahin ng mga aplikante ang e-Services website ng  BI sa https://e-services.immigration.gov.ph.