
Umabante ang E-Gilas sa kanilang third straight finals appearance sa FIBA Esports Open III Southeast Asia Conference.
Ito’y matapos makatakas sa massive upset mula sa Mongolia sa Game 2, 64-58. Nanguna si Shintarou sa panalo ng nationals sa paglista ng 36 points.
Bumuslo ito ng 19 straight points sa second half. Nagdagdag naman si Rial ng 16 points at 10 points naman ang inambag ni Custer.
Bumandera naman sa Mongolia si Starboy Youtube sa pagbuslo ng 26 points. Habang si Telmenene ay umiskor ng 14 points.Makahaharap ng E-Gilas ang mananalo sa Indonesia-Vietnam series sa best-of-three finals mamaya sa ganap na alas 5:30 ng hapon.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT