NAIS ng Cainta Tricycle Regulatory Unit (CTRU) na ipagbawal ang e-bike sa national highways sa nasabing bayan.
Ayon kay CTRU Officer-in-Charge Roty Borrer, iminungkahi niya sa Transport Committee ng Sangguniang Bayan (SB), kay Vice Mayor Ace Servillion at sa LTFRB na magbaba ng resolusyon na bawalan ang mga e-bike sa mga highway.
“Siguro kung inside sa subdivisions, okey siya… Pero ‘pag highway na… lalo na kung may mga dumadaan na sasakyan na malalaki ay ibawal na siguro sila. Ayun na lang ang magagawa natin para makontrol natin ang e-bike,” ayon kay Borrer sa panayam sa Eagles Food Hub sa Taytay, Rizal.
Matatandaan na nagkalat ngayon sa social media ang mga naglipanang mga e-bike na nasasangkot sa insidente.
Sa panig naman ni Atty. Orick dela Paz, consultant ng Taytay LGU, sinabi nito na maaring kasuhan ng reckless imprudence o damage to property ang mga driver ng e-bike na nakabangga o nakaaksidente.
“Kahit na hindi siya rehistrado, maari siyang idemanda,” ayon kay Dela Paz.
Kaya naman, sang-ayon siya sa nais ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) na iparehistro ang mga e-bike at e-tricycle sa bansa.
Kasama na ang pag-oobliga sa mga driver ng nasabing behikulo na kumuha ng lisensiya upang matutong sumunod sa batas-trapiko at maiwasan ang aksidente sa kalsada.
Dagdag nito, na umabot sa 556 ang naitalang nasangkutang aksidente ng e-bike sa Metro Manila noong nakaraang taon na nagiging cause of concern na.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan