November 5, 2024

DZRH NAG-SORRY KAY ROBREDO MATAPOS I-REPORT NA BAYAD ANG PINK CARAVAN

HUMINGI ng paumanhin ang DZRH kay Vice President Leni Robredo kaugnay sa maling report na sinasabing binayaran umano ang mga lumahok sa motorcade sa lalawigan Northern Samar para suportahan ang kanyang presidential bid.

Ayon sa istasyon, sinuspinde na nila ang kanilang reporter na umaming walang na-interview o patunay na ibinulsa ng organizer ng pink caravan ang pera na parasana sa mga sumama sa caravan.

“Hindi namin kinokonsinte ito. Hindi namin policy ito. Ngunit tinatanggap po namin ang pananagutan sa pagkakamaling ito kasunod ng aming pagtiyak sa publiko na higit pa naming pagsisikapan ang isang balanced, fair and responsible reporting sa aming multimedia platforms,” ayon kay station manager Cesar Chavez.

Nagsagawa ang mga tagasuporta ni Robredo ng motorcades nitong weekend para ipakita ang kanilang suporta kay Robredo.

Tinanggap naman ng tagapagsalita ng Vice President na si Barry Gutierrez, ang paghingi ng paumanhin ni Chavez.

Una nang sinabi ni Guttuerez na inaasahan na nila na magkaroon ng fake news tungkol sa mga kakandidato.