Nakisali si Dwyane Wade, 39, bilang parte ng ownership ng NBA team na Utah Jazz. Ang nasabing team ay pagmamay-ari ni Ryan Smith, 42.
Si Smith ay founder ng software company na Qualtrics. Binili nito kasama ng kanyang asawang si Ashley ang share sa Jazz noong October 2020.
Ito ay nagkakahaaga ng $1.66 billion.
“Dwyane is not only a basketball legend, he is also a great leader, businessman and human being,” ani Smith na siya ring team’s governor sa isang press release.
Ayon pa kay Smith, nagsimulang pag-usapan nila ng former Miami star tungkol sa pagsali sa ownership group. Ito’y matapos ng kanyang acquisition nito sa Jazz noong nakaraang taglagas.
“Partnering with Ryan and the Utah Jazz is the perfect fit as we share the same vision and values,” ani Wade
Si Wade ay naglaro ng 16 seasons sa Miami. Kung saan inalok din ng Heat ng ownership pagkatapos ng retirement nito.Binati si Wade ng Miami owner na si Micky Arison kaugnay sa announcement nito. Gayunman, may tampo si Arison.
Ito’y dahil inalok din niya si Wade ng ownership. Pero, tumanggi dahil hindi pa ito preparado sa commitment.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na