
Nilinaw ng Malacañang na wala pang inilalabas na kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapahinto ng operasyon ng electronic/online sabong (e-sabong).
Isinagawa ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles ang pahayag matapos ianunsiyo ni Senate President Vicente Sotto III na suspendihin ang lisensiya para sa e-sabong operations sa gitna ng pagkawala ng 31 sabungero.
Ibinase ni Sotto ang kanyang anunsyo sa pakikipag-usap nila ni Senator Ronald dela Rosa.
“Procedurally, kailangan ng Senate resolution to be sent to PAGCOR. Then PAGCOR [should be the one] to advise the Office of the President with regard to that,” ani Nograles na tumutukoy sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
“Ang Resolution [ay] hindi pa nakakarating sa PAGCOR o sa OP,” giit pa ni Nograles.
Inaprubahan na ng Senate public order and dangerous drugs committee na pinamumunuan ni Dela Rosa ang isang resolusyon na humihimok sa PAGCOR na suspendihin ang pag-iisyu ng mga lisensya sa online sabong operations.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon