
PINATATAKBONG muli ng PDP-Laban si Pangulong Rodrigo Duterte bilang Vice President sa 2022 elections.
Ayon kay House Deputy Speaker Eric Martinez, naglilibot na sa bansa si Energy Secretary Alfonso Cusi, vice-chairman ng ruling political party, para konsultahin ang mga miyembro ng PDP kaugnay sa ipinasang resolusyon na humihimok sa pangulo na tumakbo sa nasabing posisyon.
“Starting nga dito sa Metro Manila, noong Monday, pinatawag ‘yung mga PDP partymates ng Pangulo noong Monday and some malalapit dito na lugar. I think may Laguna pa ako na nakita doon and Bulacan,” sambit ni Martinez.
Naniniwala aniya ang PDP-Laban sa “continuity” o pagpapatuloy ng mga nagawa administrasyon kaya nais nilang tumakbo si Duterte bilang bise presidente.
Kung titingnan, nanatiling mataas naman aniya ang approval ratings ni Duterte kung ikukumpara sa mga nakalipas na pangulo ng bansa.
Magugunita na lumutang kamakailan ang Duterte-Duterte na tambalan, kung saan si Mayor Sara Duterte ang pinatatakbong pangulo, habang VP ang kanyang ama. Pero mismong ang presidente ang ayaw na patakbuhin ang kanyang anak.
More Stories
Dating Mayor Joric Gacula, buong pusong tumanggap ng pagkatalo sa halalan
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)