December 27, 2024

DUTERTE TATAKBONG VP PARA IWAS DEMANDA

SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo na lang siya bilang pangalawang pangulo kung patuloy siyang tatakutin ng kanyang mga kritiko na idedemanda pagkatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30, 2022.

Tinukoy ng Pangulo ang mga numerong kritiko nito na sina retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at dating Senator Antonio Trillanes IV na sinabi kamakailan lang na may pananagutan ang Presidente kaugnay sa drug war killings, kung hindi man ay ang pagpaparaya nito sa pag-atake ng mga Chinese sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“Tinatakot, mademanda raw ako. Eh sabi ng batas, pag Presidente ka o Bise Presidente, may immunity ka. Eh di tatakbo na lang ako na Bise Presidente. Then after that, tatakbo ako ng Bise Presidente, then after that, tatakbo akong Bise Presidente,” saad ng Pangulo sa oath taking ng bagong mga opisyales ng PDP-Laban.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na kahit kailan ay hindi siya maipakukulong.

Sinabi ng presidente na abogado siya at kung makapagsalita si Trillanes ay parang nagsasalita lang ito sa ordinaryong tao.

“Itong mga hole in the head panay ang takot sa akin, itong si Trillanes, akala mo na naman nagsasalita siya ng ordinaryong tao. You know I’m a lawyer and they can never acquire jurisdiction over my person, not in a million years,” dagdag ng pangulo.