
MAYNILA – Halos pantay lamang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senate President Vicente Sotto III sa pinaka-pinagkakatiwalaan at pinakamahusay na public officials sa bansa.
Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Pulse Asia mula Disyembre 1 hanggang 6, 2021.
Naitala ni Sotto ang 71 percent approval at performance rating, habang 72 percent naman kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Muling napatunayan sa pinakabagong survey ang maganda at maayos na performance ng dalawang mataas na opisyal bilang government leader.
“I am humbled by our kababayans’ trust and confidence in me. All the hard work and late nights of discussing, debating, and scrutinizing crucial documents and data at the Senate are worth it,” wika ni Sotto.
Dagdag niya: “I will continue what I have started not only as Senate President but as a public servant: putting premium and dedication to my work and always bearing in mind how to elevate the lives of our people, not the next elections.”
More Stories
IRR NG CREATE MORE NILAGDAAN NA
Gatchalian hinimok ang pagbibigay ng mas magandang access para sa mga PWD sa pampublikong transportasyon
Johnny Wellem Carzano numero uno sa MisOcc active open chess tilt