NAKAHANDANG lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang bank waiver kung ang kapalit ay pagsampal kay dating Sen. Antonio Trillanes IV sa harap ng publiko.
Sa pagdinig ng House of Representative quad committee nitong Miyerkules ng gabi, tinanong ni Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez kung handa si Duterte na pirmahan ang bank waiver.
“Just so that we could put to rest the issue of waivers, because it’s been going back and forth, will the former president be okay that if we draft the waiver now that it will be signed today instead of tomorrow? Will you be fine with the Mr. President?” ani Suarez.
Ang naturang waiver ay konektado sa testimonya ni Trillanes kaugnay sa umano’y drug money na inilipat sa bank account ni Duterte at ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.
“Anong kapalit sir, sampalin ko siya sa publiko, ngayon na,” saad niya.
Tugon ni Suarez, “Wala pong ganun.”
Iginiit ni Duterte ang kanyang kondisyon dahilan para mapilitan si Suarez, na siyang nangasiwa sa pagdinig na suspendehin ang deliberasyon.
Tinawagan ni Suarez ang lahat ng partido na, “Please, please observe proper decorum. We are in a committee hearing. We have already stressed from the very beginning that the proper rules, and decorum will be implemented regardless of who you are.”
“We live by a set of rules in this committee and those set of rules will be followed and those set of rules will be implemented,” dagdag niya,
Sa pagpapatuloy ng sesyon, nag-sorry si Duterte sa kanyang inasal.
“Thank you very much for your apology, it is accepted and I hope that the others beside you will also observe proper decorum, thank you very much for your apology,” sagot ni Suarez.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?