Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang compassionate lawyer ang nararapat na maging pangulo ng Pilipinas.
Sa isang interview sa Sonshine Media Network International, tinanong ang punong ehekutibo kung anong uri ng pangulo ang dapat ihalal ng mga Pilipino.
“You must be decisive… Ang ano nga is, hindi naman ako nagsabi it’s the best quality, but one of the good qualities of a president, sana abogado,” saad ni Duterte.
“Isang tingin mo lang maka-decide ka na kaagad, and the repercussions, alam mo na kung ano. Whatever kind of — how would you say — issue or alam mo na,” patuloy niya.
Dapat din aniyang taglayin ng isang pangulo ang pagiging mahabagin, makagagawa ng mga desisyon nang mabilis at may kumpiyansa, at a good judge of a person.
“The president should be a compassionate one, ‘yung para sa tao talaga,” wika pa ng Pangulo.
May sampung kandidato sa pagka-pangulo sa darating na eleksiyon, dalawa sa mga ito ang abogado – sina Vice President Leni Robredo at Jose Montemayor.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA