November 3, 2024

Duterte sa PLDT, Globe: Ayusin n’yo ang palpak na serbisyo bago mag-Disyembre

SA kanyang ikalimang State of the Nation Address, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang telecommunications companies na Smart at Globe na pagandahin ang kanilang serbisyo sa susunod na limang buwan o ang gobyerno ang mismong gagawa ng paraan para sa naturang mga telcos.

“Kindly improve your services before December,” babala niya ngayong araw. “Tell us now if you cannot really improve on it, because I will work…The next two years will be spent improving the telecommunications of this country without you.”

Nagrereklamo kasi ang pangulo hinggil sa inconvenience na kanyang naranasan gamit ang Smart at Globe lines.

“‘Yung Smart pati itong Globe ilang taon na ito, at ang sagot palagi sa akin, ‘The party cannot be reached’, eh saan pala pumunta ‘yung y**a na ‘yun?,” galit na sambit ng Pangulo.

 Giit nito, ilang taon nang nag-ooperate ang dalawang kompaniya, pero “lousy” umano ang serbisyo at transaksyon ang nakukuha ng publiko.

“The patience of the Filipino is reaching its limit he said. I will be the one to articulate the anger of the Filipino people and you might not want what I intended to do with you.”

“I want to call Jesus Christ to Bethlehem. Better have that line cleared,”  dagdag pa niya na may halong biro.

Hindi ito ang unang pagkakataon na binalaan ni Duterte ang mga telcos para makapagbigay ng magandang serbisyo. Noong 2016 matapos manalo sa presidential elections ay nagbabala rin ito sa naturang mga kompanya na kung hindi makapagbibigay ng mabilis na internet connection, ay ang mga foreign investor ang gagawa nito.