November 5, 2024

DUTERTE SA PHILHEALTH: MGA OSPITAL BAYARAN, NOW NA!


Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bayaran ngayong Huwebes, Abril 8, 2021 ang mga atraso sa mga pribadong ospital.

Ito ang direktiba ng Pangulo sa ginanap na pulong ng gabinete nitong Huwebes sa pamamagitan ng virtual meeting.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na agad namang tumugon ang liderato ng PhilHealth at inaprubahan ang Debit-Credit Payment Method (DCPM) para mapangasiwaan ang pagbabayad sa Health Care Facilities (HCFs) sa panahon ng public health emergency dahil sa COVID-19 pandemic.

“President Rodrigo Duterte directed the PhilHealth to expedite the payment of valid claims of hospitals today, April 8, 2021,” ani Roque.

Sa pamamagitan ng DCPM ay makakasiguro ang gobyerno ng tuloy-tuloy na paghatid ng serbisyo lalo na sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.

Nauna rito, nagpahayag ang samahan ng mga pribadong ospital sa bansa na napipilitan silang magbawas ng mga tauhan dahil hindi na sapat ang kanilang pondo dahil hindi pa nakakapagbayad ang PhilHealth sa serbisyong ibinigay nila sa kanilang mga pasyente.

Sinabi ni Roque na ang mga ospital na maaaring maka-avail sa DCPM ay yaong mga rehiyon na identified ng National Task Force Against COVID-19 at Inter-Agency Task Force gaya ng National Capital Region, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga at Rizal. “These HCFs must likewise have no Interim Reimbursement Mechanism Fund balance on record. They must be attending to COVID-19 patients or providing the SARS-COV2 testing package and their accreditation is not suspended during the applicable period,” dagdag ni Roque.