IGINIIT ng Malacañang na hindi nanghihimasok si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng speakership sa House of Representatives.
“Hindi po nanghihimasok, hindi po nakikialam ang presidente sa nangyayaring girian para sa puwesto ng speaker,” ayon Presidential Spokesman Harry Roque.
Kasabay nito, umapela rin aniya si Duterte sa mga kongresista na isantabi muna ang pulitika sa gitna ng girian sa isyu ng speakership at atupagin muna ang pagpasa ng 2021 national budget.
“Ang panawagan po niya sa ating mga kongresista, isantabi muna po ang pulitika para maipasa po natin ang proposed 2021 budget,” saad niya.
Dagdag pa niya na umaasa ang Pangulong Duterte na magkakaroon ng special session ang Kongreso sa Oktubre 13 hanggang 16 upang ituloy ang pagtalakay sa panukalang P4.5-trillion national budget para sa 2021.
“Itigil muna po ang pulitika diyan sa mababang kapulungan para maipasa ang proposed budget ng 2021 na binuo po ng administrasyon para labanan ang COVID-19,” sambit aniya ng Pangulo.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE