Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang papangalan ang “pinaka-corrupt” na presidential candidate bago ang national elections.
Ayon sa pangulo, obligasyon niyang ipaalam sa mga Filipino ang mga bagay na alam niyang makatutulong sa kanilang desisyon.
Sa kanyang Talk to the People kagabi, itinanggi ni Duterte na namumulitika siya, bagkus ay ipinaalam niya lang sa publiko ang kanyang nalalaman batay sa impormasyong kanyang natanggap at sa kanyang personal na karanasan.
“In due time… I will personally name the candidates and maybe what’s wrong with them na kailangang malaman ng tao because you are electing the president. Sino yung pinaka-corrupt na kandidato,” saad ni Duterte. “Hindi ako namumulitika, I’m talking to you as your president… Ito kailangan ilalabas ko because we are talking of elections. We are talking of our country and the next rulers so to say,” dagdag niya.
Ayon sa pangulo, mayroong isang kandidato na hindi puwedeng maging pangulo habang ang isa pang kandidato ay maaring maging presidente, pero masyadong “corrupt”.
“Akala lang kasi ng mga tao malinis pero ‘yung mga nag-transact sa business sa kanya, mga official business, pati yung mga Chinese nagreklamo na na masyadong corrupt daw,” sambit ni Duterte.
“Sabi ko, ang magagawa ko is to charge him for corruption. Could be under the Revised Penal Code, it could be under Corrupt Practices Act,” dagdag niya.
Wala naman binanggit si Duterte kung sino ang kandidato na kanyang tinutukoy, ngunit paulit-ulit niyang iginigiit na hindi niya ito ginagawa para personal na atakehin ang isang kandidato.
Nakita ko lang. Hindi ako nagsabi na marunong ako. From observation, parang taong nakainom. Malaman mo, medya sumobra siya sa limit ng botelya na kaya nya. Tapos mag-away, tapos magtapang magsalita, masakit. Akala niya may utang ang tao sa kanya, ganun yan eh,” saad niya.
“Sabagay, opportunity comes your way, you jump on it. Maybe baka, maybe it’s your destiny to be a president of the republic,” dagdag niya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY