ITUTULAK ni Presidential aspirant Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na maihalal bilang Senate President si Pangulong Rodrigo Duterte kung ito’y papalarin na manalo kung tatakbo bilang senador sa 2022 elections.
Ayon kay Dela Rosa, inaasahan niya na makatrabaho si Duterte bilang Senate president.
Si Dela Rosa ay national police chief ni Duterte at co-architect ng kanyang war on drugs.
“Napakaganda, magkakaroon ng teamwork ang Senado at ang Malacañang para sa kabutihan ng ating bansa,” sambit ni Dela Rosa sa CNN Philippines.
Hinimok ng partymates ni Duterte sa PDP-Laban ang pangulo na sumama sa kanilang senatorial race sa 2022 election matapos hindi matuloy ang kanilang plano na patakbuhin ito bilang vice president.
“Huwag nating sabihin na pinipilit natin tumakbo si Pangulong Duterte para lumakas yung lineup ng PDP-Laban…. Kahit wala si Pangulong Duterte, they will win through their own merits,” ayon kay Bato.
Kung tatakbong senador si Dutertre, magiging substitute siya ng isa sa senatorial bets ng PDP-Laban tulad ng ginawa niya noong siya tumakbong pangulo noong 2016.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON