SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes na hindi maaring maging “bastos at walang galang” ang Pilipinas sa China sa gitna ng agawan ng teritoryo.
Ito’y matapos maglabas ng matapang na pahayag si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin laban sa presensiya ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.
“China remains to be our benefactor and if I may just add something to the narrative, just because we have a conflict with China, doesn’t mean to say that we have to be rude and disrespectful,” saad ni Duterte sa kanyang weekly address to the nation.
“As a matter of fact we have many things to thank China for in the past and itong tulong nila ngayon,” dagdag niya.
Ayon kay Duterte walang dahilan para sa gulo at pinapayagan pa rin naman daw ang mga Filipino na mangisda.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?