NAGDESISYON si Pangulong Rodrigo Duterte na pagkalooban ng absolute pardon si US Marine Lance Corporal Joseph Pemberton dahil hindi raw naging patas ang pagtrato sa kanya ng Pilipinas.
Sa kanyang televised speech, sinabi ng Pangulo na hindi kasalanan ni Pemberton kung mali ang computation ng kanyang good conduct time allowance.
“It is not the fault of Pemberton na hindi na na-compute because we should allow him, the good character presumption kasi wala namang nagreport na Marines na nagsabi na nagwawala siya,” aniya.
“So sabi ko kay Justice Secretary [Menardo Guevarra], [Executive Secretary Salvador] Medialdea, pinatawag ko sila kanina, sabi ko it’s my decision to pardon. Correct me if I’m wrong but ito ang tingin ko sa kaso. We have not treated Pemberton fairly,” dagdag pa niya.
Ginawaran ng “absolute pardon” o lubos na pinapatawad ni Pangulong Rodrigo si Pemberton kaugnay sa pagkakapatay nito sa Filipino transgender na si Jennifer Laude noong 2014.
“Pardon. Ang pardon walang maka-question niyan. Kaligayahan ko na lang magpakulong ng mga buang, mga gago but it is time that you are called upon to be fair, be fair,” anang pangulo.
Matatandaang batay sa desisyon ng Olongapo Regional Trial Court, kwalipikado raw si Pemberton sa GCTA dahil sa pagsunod sa mga regulasyon ng Bureau of Corrections.
Lagpas na rin daw sa maximum penalty na 10 taon ang pinagsilbihan nito para sa kasong homicide.
Nakapiit na ng 2,142 araw si Pemberton at idinagdag dito ang 1,548 araw dahil sa ipinakita nitong magandang asal sa ilalim ng GCTA rule.
Pero sa panig ng pamilya Laude, kinuwestiyon nila kung paano na-compute ang GCTA at kung ano ang patunay sa magandang pag-uugali ni Pemberton sa bilangguan.
Nakapiit si Pemberton sa isang pasilidad sa Camp Aguinaldo sang-ayon sa probisyon ng Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY