Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte matapos maubo sa kalagitnaan ng kanyang talumpati. “Pasensya na kayo. I don’t know, but ‘yung pag-ubo ko, progressive. Baka cancer, ang p…,” biro ng pangulo sa kanyang talumpati sa pagpupulong ng National Task Force and Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict in Eastern Visayas.
Dahil sa kanyang edad, naging paulit-ulit na ang isyu ng kalusugan ni Duterte sa magmula nang maupo itong Presidente, na humantong pa para maghain ng petisyon ang isang abogado sa Korte Suprema na hingin ang pagpapalabas ng medical records ng Pangulo.
Noong Agosto 2020, ibinunyag ni Duterte na sinabihan siya ng kanyang doktor na ang kanyang Barrett’s esophagus ay malapit na sa stage 1 cancer.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA