Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ilang buwan matapos niya itong tawagin na isang ‘weak leader’.
Sa panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy nitong Miyerkules ay sinabi ni Duterte na naniniwala siyang hindi nakinabang si Marcos sa nakuha diumanong yaman ng kanyang magulang mula sa kaban ng bayan.
Ayon kasi sa Pangulo ay wala naman daw nakitang ninakaw na pera ang mga kritiko na hawak ngayon ni BBM.
Matagal narin daw nabawi ang pera ng mga magulang ni BBM kaya’t malabo na may napakinabangan ito.
“Yung nakaraan, ‘wag mong sabihin human rights violation… Tapos ang pera na nanakaw, eh hanggang ngayon wala naman silang nakita,” ayon kay Pangulong Duterte.
“Kung maniwala kayo, kung hindi, okay lang. Marcos, may konting pera naiwan, na-sequester lahat eh, pati sa Switzerland,” dagdag niya pa.
Inalala din nito ang pagiging simpleng tao ni BBM na diumano’y nakikisakay pa sa kanila noong ito’y tumatakbo bilang senador.
Sa huli ay sinabi nito na bata pa si BBM noong naakusahan ng pangungurakot ang kanyang mga magulang kaya’t malabo na ipinagkatiwala sa kanya ang bilyon-bilyong piso na diumano’y nakuha ng mga Marcos.
“Nakikisakay lang ‘yan sa akin. Kung may pera siya noon o wala, kami na magsabi, walang pera ito. Simple living lang siya,” kwento ng pangulo.
“Hindi naman siya mapagkakatiwalaan ng bilyon-bilyon. Bata pa siya noon. Of course, ma-inherit nila ‘yan, pero that would be a very, very tedious process,” dagdag niya pa.
Tila nag-iba ang ihip ng hangin dahil sa noon ay pinapaulanan pa ng batikos ng pangulo si Marcos.
Hindi naman malaman kung ito na nga ba ang senyales na si Marcos na ang susuportahang kandidato ni Duterte.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna