Hinamon ni senatorial candidate at dating senator Antonio Trillanes IV sina Pangulong Rodrigo Duterte at presidential candidate Senator Panfilo Lacson na pangalanan na kung sino ang mga umano’y komunista sa kampo ni Vice President Leni Robredo.
Dahil kung hindi nila ito gagawin, ani Trillanes, ay mababansagan lamang silang mga “fake news peddlers” dahil puro bintang na lamang at wala namang pruweba.
“I am calling on President Duterte and Senator Lacson to name the communists that they claim to be part of the campaign team of VP Leni,” saad ni Trillanes.
“Bilang kaalyado ni VP Leni, diretsahan na sasabihin ko na hindi ito totoo, pero bibigyan ko pa rin sila ng pagkakataong maglabas ng pangalan,” dagdag pa niya.
Inakusahan ni Duterte ang kampo ni Robredo na nakikipagsabwatan sa mga komunista na naglalayong daw umanong guluhin ang darating na halalan sa Mayo. May nauna ring pahayag si Lacson ng diumnano’y “commmunist infiltration” sa campaign team ni Robredo.
Ang mga alegasyong ito ay kasunod ng mga sinabi ni Cavite Rep. Crispin Remulla na may mga kasapi ng mga komunistang grupo na dumalo sa political rally ni Robredo at Kiko Pangilinan sa Cavite noong Marso 4, kung saan halos 50,000 ang dumalo.
“As for Senator Lacson, a decorated police officer and a former PNP chief, he of all people should know that the one who makes the accusations should present evidence to support the claim,” ani Trillanes.
“Hanggang ngayon wala pa silang pangalang binabanggit o ebidensyang ipinapakita,” sabi pa niya.
“If they cannot come up with names, then we can dismiss their allegations as fake news o intriga lang para subukang harangin ang patuloy na pagdami ng suporta ng ating mga kababayan sa kampanya ng Team Leni-Kiko,” dagdag niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA