Isinuko umano ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang mga karapatan ng Pilipinas sa Ayungin Shoal sa itinago bilang isang “gentlemen’s agreement” sa China.
Ang pahayag na ito ay mula kay former Supreme Court Justice Antonio Carpio.
Ayon sa “status quo” agreement ni Duterte, ang sasakyang pandagat ng Pilipinas ay maaari lamang maghatid ng tubig at pagkain sa Sierra Madre ngunit hindi mga construction material para sa pagkukumpuni nito.
Sinabi ni Carpio na ang kasunduan na pumapabor sa China ay lumabag sa desisyon ng Arbitral Tribunal noong Hulyo 12, 2016 na kumikilala sa Ayungin Shoal bilang bahagi ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ).
Sa ilalim ng Arbitral Award, walang karapatan ang China na magtayo ng anumang istraktura sa Ayungin Shoal at walang karapatang pigilan ang Pilipinas sa pagsasagawa ng mga aktibidad sa lugar.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA