Idineklara ng Palasyo ng Malakanyang ang July 20 bilang isang regular holiday.
Ito ay kasunod ng paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Nakasaad sa Proclamation no. 1189 na ang deklarasyon ay base sa naging rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos.
Hinikayat ang publiko na makiisa sa mga Muslim sa paggunita ng Eid’l Adha.
Ngunit, kailangan pa rin anilang masunod ang mga panuntunan hinggil sa quarantine at social distancing laban sa COVID-19.
More Stories
NM Nika sosyo sa 5 iba pang manlalaro sa Marienbad Open 2025 – C FIDE Open 23rd International Chess Festival
Lalaki, arestado sa panggugulo at baril sa Navotas
2 welder, patay nang ma-trap sa nasunog na barko sa Navotas