Nandigan si dating Pangulong Rodrigo Duterte na tanging sa local courts lamang siya haharap kaugnay sa kaso na may kinalaman sa drug war ng kanyang administrasyon.
Ito’y ayon sa kanyang dating spokesperson na si Atty. Harry Roque matapos magdesisyon ang International Criminal Court (ICC) na ituloy ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na kampanya.
“Former President Duterte reiterates his position that he would never allow foreigners to sit in judgment of him as long as Philippine courts are willing and able to do so,” ayon kay Roque.
“He [Duterte] would humbly submit to the prosecution and judgment of any local court. He is ready to face any of his accusers,” dagdag niya.
Inilunsad ni Duterte ang war on drugs nang umupo ito bilang pangulo noong 2016. Sa datos ng gobyerno mahigit sa 6,000 ang namatay sa isinagawang kampanya, habang itinataya ito ng ilang human rights groups sa mahigit 30,000, lalo na kung isasama ang extrajudicial killings at mga gawa ng vigilante groups na umakto raw sa utos ni Digong.
Matatandaang sinuspindi ng ICC ang probe noong Nobyembre 2021 matapos itong hilingin ng Maynila, sa dahilang nagsasagawa naman daw ito ng sariling imbestigasyon pagdating sa mga anomalya at kawalan ng due process sa “war on drugs” killings.
“Following a careful analysis of the materials provided by the Philippines, the Chamber is not satisfied that the Philippines is undertaking relevant investigations that would warrant a deferral of the Court’s investigations on the basis of the complementarity principle,” wika ng ICC sa isang pahayag, Huwebes (oras sa Netherlands).
“After having examined the submissions and materials of the Philippines Government, and of the ICC Prosecutor, as well as the victims’ observations, the Chamber concluded that the various domestic initiatives and proceedings, assessed collectively, do not amount to tangible, concrete and progressive investigative steps in a way that would sufficiently mirror the Court’s investigation.”
Bagama’t madalas madiin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa human rights abuses at pagpatay diumano sa mga inosente’t hindi nanlalaban, sakop ng naturang imbestigasyon ang mga nangyari sa Pilipinas simula ika-1 ng Nobyembre 2011 hanggang ika-16 ng Marso 2019. Sakop din ng imbestigasyon ang mga pagpatay sa Davao City mula 2011 hanggang 2016, noong si Duterte ang nagsilbing mayor ng naturang lugar.
Matatandaang kinwestyon ng Duterte administration ang naturang probe lalo na’t kumalas ang Pilipinas sa ICC noong Marso 2019, dahilan para igiit nila na wala na ito sa kanilang jurisdiction. Sa kabila nito, pwede pa rin imbestigahan ang mga violations sa Pilipinas bago ito mag-withdraw sa Rome Statue. Matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang intensyon ang bagong administrasyon na muling sumapi sa ICC. Kilalang ama ng kanyang runningmate at Bise Presidente Sara Duterte si Digong.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA