NILINAW ng Malacañang na hindi umaatras si Pangulong Rodrigo Duterte sa nauna nitong pahayag na handa siyang magpaturok ng COVID-19 vaccine ng Russia sa harap ng publiko.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, walang pagbabago sa kagustuhan ni Pangulong Duterte at tanging sinabi ng Department of Science and Technology (DOST na ang kauna-unahang pagkakataon na puwede siyang magpaturok ay Mayo 1.
Kaya mababakunahan lamang ng Sputnik V ng Russia si Pangulong Duterte pagkatapos ng phase 3 clinical trials na gagawin sa Pilipinas at sa Russia.
Noong Lunes, inihayag ni Pangulong Duterte na handa siyang unang paturukan ng bakuna at isugal ang kanyang buhay para sa nasabing bakuna.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?