“Duwag o traydor nga ba si Pangulong Rodrigo Duterte?
Ito ang naging tanong ni Senator Risa Hontiveros matapos niyang upakan ang Pangulo dahil sa umano’y isinuko nito ang soberanya ng Pilipinas sa China sa gitna ng patuloy na pagiging agresibo nito sa West Philippine Sea.
“Sinusuko na ng Presidente ang soberanya ng Pilipinas,” ani ni Hontiveros sa isang pahayag.
“Duwag ba siya o traydor? Either way, he has failed our country. He has failed to defend our sovereignty, our seas, our people. Handa man siyang isuko ang Pilipinas, hinding-hindi naman susuko ang mga Pilipino,” sambit pa niya.
Inilabas ni Hontiveros ang naturang pahayag matapos igiit ng Presidente na ang tanging paraan para mabawi muli ang West Philippine Sea ay paggamit ng puwersa.
“Nakakahiyang marinig na mismong ang Commander-in-Chief ng Pilipinas ang pasimuno ng mistulang pagbigay ng ating teritoryo sa China. Sabi niya dati, mag-jejetski siya papuntang West Philippine Sea, hindi naman ginawa. Wala pa rin nga siyang ginagawa, tapos surrender na kaagad?” dagdag niya.
Bago ang kanyang presidential victory noong 2016, sinabi ng Davao City mayor na sasakay siya sa jet ski papuntang disputed areas sa West Philippine Sea at itatayo ang bandera ng Pilipinas doon.
Ngunit sa paglaon, sinabi niya na hindi dapat asahan ng publiko na gagawin niya ito dahil ang kanyang mga sinabi ay isang hyperbole lamang upang maipakita ang kanyang paninindigan na hindi ibibigay ng gobyerno ng Pilipinas ang alinman sa mga teritoryo nito sa China.
Ayon kay Hontiveros, hindi man lamang kinondena ang agresyon ng China sa disputed waters.
“Ano pang silbi ng presidenteng inutil?” kantiyaw pa ni Hontiveros.
“We should not allow a president who gives up our sovereignty like loose change. We should not accept a president who thinks the only way out of this dispute is through war. Walang may gusto ng giyera,” saad pa niya.
“This President swore an oath to defend the constitution and the Philippine nation. A constitution that renounces war as an instrument of national policy. So if a ‘war’ he cannot wage is the only way he can think of to confront China, then that betrays the moral and intellectual bankruptcy of the highest office of the land,” dagdag pa nito.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE