Para sa isang opisyal ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) party, walang political dynasty kung tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte at kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa national post sa susunod na taon.
Sa isang online press briefing, ipinaliwanag ni Anthony del Rosario, secretary general ng HNP, hangga’t may electoral process, malaya ang mga tao na iboto kung sino ang gusto nila.
“Here in HNP, we don’t believe there’s political dynasty here. After all this is an electoral process and everybody’s free to vote for whoever candidate they prefer to vote for,” saad ni Del Rosario.
Nang igiit kung mayroong political dynasty kung papalitan ni Sara ang kanyang ama, muli itong itinanggi ng opisyal ng HNP, kung saan sinabi nito na hiwalay ang boto ng bawat kandidato sa national election.
“Each candidate is voted separately. If President Digong showed good governance in his term of president as the country, it follows that a lot of people would like to see this kind of governance to continue on,” pagpapatuloy ni del Rosario.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY