PINABULAANAN ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang usap-usapan sa muling pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 national elections.
Paliwanag niya na nais ng Pangulo na matapos na ang kanyang pananatili sa Malacañang.
“Ang pagkaaalam ko po eh atat na atat na si Presidenteng matapos ang kanyang termino at gusto na niyang umuwi sa Davao,” saad ni Roque.
Pinalutang kasi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang ideya na Duterte-Duterte tandem sa 2022 presidential elections, kung saan tatakbo si Davao City mayor Sara Duterte-Carpio para sa pagkapangulo habang ang nakatatandang Duterte ang kanyang magiging running mate.
“Iyong Duterte-Duterte tandem po na sinasabi ni Secretary Panelo, yan po ay kanyang personal na opinyon,” dagdag ni Roque.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA