November 24, 2024

Duterte ‘di interesadong i-extend ang termino

HINDI interisado si Pangulong Rodrigo Duterte na i-extend ang kanyang termino, ayon sa Malacañang.

Ito’y matapos palutangin ni House Deputy Majority Leader at Pampanga 2nd District Rep. Mikey Arroyo ang posibilidad na ipagpaliban ang 2022 election dahil sa COVID-19 pandemic.

Pero nilinaw rin ni Arroyo na ang naturang ideya ay isang huling paraan kung magpapatuloy ang krisis sa kalusugan hanggang 2022.

“The President is not interested in extending his term and he leaves it to the Filipino people, the sovereign people to decide if they want to amend the Constitution to postpone the elections,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Una nang ni-reject ni Roque ang proposal na i-postpone ang eleksyon at sinabi na ang Pilipinas ay maaring gayahin ang ibang bansa kung paaano magsagawa ng eleksyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“It can never be an option for Malacañang unless the Constitution is amended,” ani ni Roque.

“Under the new normal, under the new situation, mukhang ang magbabago po ay ang paraan kung paano mangampanya pero patuloy po ang eleksyon,” dagdag niya.

Nilinaw rin ng Commission on Elections (Comelec) na wala silang plano para suspindehin ang 2020 national elections.

Ayon rito na mabigat na usapin ang iminungkahing ipagpaliban ang eleksyon sapagkat constitutional mandate ng Comelec ang tiyakin ang pagdaraos ng halalan.

Sinabi rin ng poll body na isasagawa ang 2022 national election sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw kung mananatili pa rin ang COVID-19 sa bansa.