NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na dedmahin ang kumakalat na lumang video clip ni Pangulong Duterte sa pagsasabing luma ito at layunin na siraan lamang ang kampanya para sa pagpapa-booster ng mga Pinoy.
“We have recently been informed that a video clip of President Rodrigo Roa Duterte recorded on September 30, 2021— in which he states that two doses of the COVID-19 vaccine are sufficient (“tama na ‘yang dalawang doses”) — is being shared and utilized by some groups to campaign against the administration of COVID-19 booster shots,” sabi ni Acting presidential spokesperson Karlo Nograles.
Idinagdag ni Nograles na ginawa ni Duterte ang pahayag noong 21 milyon pa lamang ang fully vaccinated sa bansa.
“The situation today is now vastly different. Last November, upon the recommendation of our health experts, the government approved the use of booster doses for all fully vaccinated individuals as we had ample supplies of vaccines and a substantial percentage of our population was already fully vaccinated,” ayon pa kay Nograles.
Idinagdag ni Nograles na noong Disyembre 21, 2021, mismong si Duterte ang nanawagan sa mga mamamayan na mag-booster na dahil sapat na ang suplay ng mga bakuna sa bansa.
“We reiterate that there is clear evidence that COVID-19 booster shots provide additional protection against the virus, and urge the public to refrain from sharing disinformation that will endanger the lives of our kababayan, compromise our efforts to contain COVID-19, and undermine our campaign to beat the disease,” ayon pa kay Nograles.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE