January 24, 2025

Duterte binira ang mga health worker: Ipinapahiya n’yo ang gobyerno!

GALIT si Pangulong Rodrigo Dutete sa isinagawang panawagan kamakailan lang ng mga health worker na pansamantalang ilagay sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Giit ng Pangulo na maari naman silang “lumiham” sa pamahalaan para pakinggan ang kanilang hinaing imbes na gumawa ng public statement.

“There is no need for you and for the guys, 1,000 of you, telling us what to do publicly. You could have just written us a letter. Lahat naman ng sinasabi ninyo sinusunod namin,” dismayadong pahayag  ni Duterte sa isang televised meeting sa Malacañang.

Matatandaan na humirit ang medical groups ng dalawang linggo na ‘timeout’ para ibalik sa ECQ ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng coronavirus cases sa bansa.

Tinugunan naman ito ng pamahalaan at ipinatupad ang modified ECQ sa National Capital Region, at lahat ng lalawigan ng Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal na epektibo mamayang hating-gabi.

Gayunpaman, nakikisimpatya pa rin si Duterte sa mga health workers at pinapahalagahan nito ang kanilang sakripisyo sa ilang buwan na pakikipaglaban sa nakamamatay na virus.

Pero habang nagpapatuloy, biglang nagbago ang tono nito kung saan sinabi niya na ipinapahiya umano ng mga health worker ang gobyerno.

“Kung sabihin ninyo you raise the spectacle of agony ninyo, you treat it as if you are about ready to stop work, huwag naman ganon kasi kawawa ang mga kababayan. Sino ang aasahan namin? I am sure that is not in your heart, I am sure that in your despair, I would like to tell you na ang iyong gobyerno ay hindi nag-iiwan ng mga trabahante. We are doing everything possible to alleviate the situation, to assist our healthcare workers,” wika ng pangulo.

“Pero huwag kayo magsigaw-sigaw rebolusyon. Sa totoo…Magsabi ka rebolusyon, go ahead, try it. Sirain natin, patayin natin lahat ng mga may COVID. Is that what you want? We can always end our existence in this manner,” galit pa niyang sambit.

“I dare you, do it,” hamon pa niya.

Hinimok niya rin ang mga mga nurse na pumasok sa police para makatanggap ng mas malaking sahod para sa kanilang serbisyo.

“I don’t give a f…if you gather one thousand, two thousand, but bear in mind na kayo mismo ipa-take over ko…tingnan ko kung ano ang lagay ninyo. We are not incompetents here because we are not doctors. Kayo dapat ang…You should do the soul-searching. Kayo ang makatulong sana at wala kayong ginagawa, puro magreklamo…what can I do? I have always been praying to God for a vaccine,” pagpapatuloy niya.

“Do not try to demean government. You are not actually criticizing. You demean my government, your own government,” dagdag pa ng pangulo.

Muling iginiit ni Duterte na kulang na sa pondo ang pamahalaan para tugunan ang coronavirus, ito’y matapos mapaulat na umabot ang utang ng bansa sa P9.05 trilyon.

“To go almost on a rampage, parang galit at mag-rebolusyon rebolusyon… Alam ninyo nagtatrabaho kaming lahat. Kung ‘yan lang ang makaya ng pera natin, e ‘di hanggang diyan lang tayo,” wika pa niya.

Next time you can just ask for an audience pero wag po kayong magsigaw-sigaw, rebolusyon,” ani ni Duterte sa kanila. “To send a message without giving government a chance, ngayon anong gusto ninyo? I will implement other things in this government without informing you? Would you be happy with that?” dagdag pa niya.