BIBISITAHIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette ngayong weekend.
Sa isang situation briefing kasama ang mga opisyal ng gobyerno ngayong Biyernes, inanunsiyo ng Pangulo na magtutungo siya sa Surigao at iba pang lalawigan sa Visayas at Mindanao.
“I’m flying tomorrow to the area (Surigao). Also I would hit maybe Leyte, and if there is enough time, Bohol,” wika ni Duterte.
Dagdag ng chief executive na plano rin niyang puntahan ang Cebu, Bacolod at Iloilo sa Linggo.
Nagawang mag-landfall ni Odette ng siyam na beses sa bansa – pinakahuli ay sa Roxas, Palawan. Sa estimate ng ilang lokal na opisyal umabot sa bilyong piso ang halaga ng pinsala ng naturang bagyo.
Samantala, sinabi rin ng Pangulo na susubukan niyang mangalap ng pondo para sa typhoon response. Inamin niya na naubos na ang pera dahil sa COVID-19 pandemic.
“Itong COVID, naubos ang pera natin. So we’re trying to scrimp how much we can raise so that we can marshal it to the areas affected,” saad ng Pangulo.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY