Ginawa man lahat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng kanyang makakaya, humingi pa rin ito ng tawad sa mga Filipino dahil sa kanyang mga pagkukulang bilang pinuno ng bansa.
Dagdag niya, hindi sapat ang anim na taon para tapusin ang lahat ng kanyang mga proyekto.
Sinabi ni Duterte na ang kanyang ginawa ay “ang pinakamahusay” na maaaring makamit ng kanyang pagsisikap.
“Kung kulang pa ‘yun, pasensya na po. Hindi ko na talaga kaya the things that I failed to do, mostly negligence or may mga shortcomings ako,” aniya sa inagurasyon ng bagong Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Head Office Building sa Pasig City.
“But talagang 6 years would not be enough to finish all the projects,” dagdag niya.
Nang walang sinabing iba pang detalye, nagpasalamat din si Duterte sa mga television network sa bansa sa pagtulong sa kanya sa kanyang paglalakbay. “Binigyan n’yo ako ng honor maging presidente ng Pilipinas,” aniya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA