Tinalo ni Dustin Poirier si Conor McGregor sa kanilang trilogy bout sa UFC 264 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Nagtagal lamang ng 5 minutes ang laban. Kung saan, nagtamo si McGregor ng let ankle injury sa Round 1.
Dinale ni Poirier (28-6, 1 NC) ang Irish fighter via first-round TKO. Nilikida ni Poirier si McGregor (22-6) nang maisalya nito sa cage wall. Pagkatapos ay pinagsusuntok anupat di na ito makaporma.
Nagawang maka-2-punch combination sa nalalabing 10 second ni McGgregor. Ngunit, nagkamali ito ng bagsak sa kanyang left foot. Kaya, nabarag ang kanyang angkle.
Kinumpirma naman ni UFC president Dana White na nagtamo ng lower tibia injury. Gayunman, sinabi ni McGregor, 32 na hindi pa natatapos ang rivalry nila ni Poirier. Kahit na nanalo pa ito sa laban.
“This is not over!I was boxing the bleeding head off him, kicking the bleeding leg off,” aniya.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna