November 3, 2024

DUQUE: NCR PLUS MALABO SA MGCQ (Quarantine sa June malalaman sa Mayo 31)


Malabo pang ilagay sa modified general community quarantine ang Metro Manila at kalapit nitong mga lalawigan o NCR plus.



Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, nakatakdang ianunisyo sa Mayo 31 ang quarantine classification para sa June.

Nasa mahigit 24 milyon katao sa capital region, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal ang nasa ilalim ngayon ng GCQ o general community quarantine “with heightened restrictions” hanggang Mayo 31. Kung magpapalit sa MGCQ ay mas maraming negosyo ang papayagan na muling buksan at mayroong mataas na kapasidad.

Hindi puwedeng mag-MGCQ. Pag-uusapan pa ‘yan sa Lunes, ‘yung final recommendation for June 1 to 30,” saad ni Duque.

Ano ang MGCQ?

Kahit magpalit sa MGCQ, kinakailangan pa rin sundin ng mga Pinoy ang minimum health standards. Ibig sabihin, required pa rin magsuot ng face masks at face shield, at pairalin ang physical distancing.

Maari ring isagad ang mga negosyo sa buong kapasidad sa MGCQ base sa IATF guidelines.

Sa madaling salita, ang mga negosyo na tumatakbo sa 75% capacity sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ ay maaring gawing 100% sa MGCQ habang ang mga nag-o-operate sa 50% sa GCQ areas, ay maaring itaas sa 75% sa MGCQ.

Kung maaprubahan, mas maraming pasahero ang maisasakay ng public utility vehicles – hanggang sa 75% ng kanilang kapasidad base sa rekomendasyon ng NEDA.

Mas ang papayagan na lumabas ng kanilang bahay sa lugar na nasa MGCQ kumpara sa GCQ. Halimabawa, pinapayagan ang leisure travel sa MGCQ areas at itinutulak din ng NEDA sa pagbabawas ng age-based mobility restriction upang palakasin ang consumer spending.

Mas marami rin ang papayagan na makapagsimba sa loob ng simbahan sa MGCQ.