MULING iginiit ng Department of Health (DOH) ang pagsusuot ng face mask upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) habang wala pa ang bakuna para labanan ito.
Sa kanyang talumpati sa seremonyal na pamamahagi ng face mask sa mga residente ng Antipolo City, sinabi ni Duque na ang pagsusuot ng face mask ay makapagsasalba ng buhay at ang nasabing kasanayan ay isang ibinabahaging responsibilidad sa komunidad.
“Proper wearing of (face) mask reduces the spread of the virus by 85 percent. So, the DOH is here to help, to provide washable masks especially to the poor,” aniya.
Bukod sa pagsusuot ng washable na mask, namigay din ang DOH ng test kits, hygiende kits, at BIDA solution campaign materials na nagpapaalala sa publiko na ugaliing magsuot ng face mask, maghugas ng kamay, sundin ang physical distancing at ang ilang kaalaman sa COVID-19.
Hinikayat din ni Duque kasama ang COVID-19 Coordinated Operations to Defeat Epidemic o CODE team, ang lokal na pamahalaan ang paglikha sa reusable mask na makapagbibigay ng kabuhayan sa mga kooperatiba at maliliit na negosyo sa komunidad.
Ang CODE team ay kinabibilangan nina Duque, Department of Social and Development Secretary Rolando Bautista, Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez at COVID testing czar Vince Dizon, at iba pa.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE