November 3, 2024

Duque iningusong ‘godfather’ ng mafia sa PhilHealth

DIRETSAHANG binansagan ng whistleblower ng corruption scandal sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) si Health Secretary Francisco Duque III bilang ‘godfather’  o ‘ninong’ ng mafia sa nasabing state health insurance agency.

“Maituturing ko po na siya po ang godfather po ng mafia… Doon po sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) siya po ang chairman,” pagdidiin ni dating PhilHealth anti-fraud officer Thorrson Montes Keith sa pagdinig ng Senado.

“As a chairman mayroon pong due diligence po na gagawin ang isang chairman and considering na he’s a doctor and mayroon siyang institutional knowledge sa pamamalakad sa PhilHealth, (As chairman of PhilHealth board, he must have due diligence considering he is a doctor and has institutional knowledge in running PhilHealth),” dagdag pa niya.

Sinabi rin niya na si Duque ang siyang nagtalaga sa mga matataas na opsisyal na umano’y kasapi ng tinatawag na PhilHealth mafia.

Itinanggi naman ni Duque ang naturang alegasyon laban sa kanya nang tanungin ni Sen. Risa Hontiveros.

 “I deny this absolutely malicious and without basis. I do not wish to dignify that allegation,” tugon ni Duque.

Bagama’t naniniwala si Duque na mayroong sindikato na sangkot sa kasuklam-suklam na aktibidad sa PhilHealth.

Pero duda raw siya sa mga alegasyon na ibinabato kay PhilHealth President Ricardo Morales dahil wala naman daw sapat na ebidensiya na nagpapatunay na sangkot ito sa mga iregularidad sa naturang ahensiya.

“Wala po akong alam na ebidensiya na iniuugnay si General Morales direktamente doon sa mga naturang fraudulent claims. Madali pong mag-speculate pero dapat ang evidence, ang data ay makita natin kung mayroon mang direktamenteng kinalaman ito sa mga katiwalian na nabanggit ninyo.”