NAGDESISYON na ang Office of the Ombudsman na imbestigahan ang Department of Health, kabilang na si Secretary Francisco Duque III, dahil sa umano’y “anomalya” sa pagtugon sa coronavirus pandemic.
Ayon kay OmbudsmanSamuel Martires, ipinag-utos na niya ang pagbuo ng joint investigating team (JIT) na mag-iimbestiga sa umano’y mga iregularidad at anomalya, kabilang na kalituhan at delayed na pag-uulat ng mga nasawi at kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Ang imbestigayon ay isasagawa ng motu proprio o hindi na kailangan ng complainant.
Kabila sa mga isyu na iimbestigahan ayon kay Martires ay:
Nauna rito, sinabi ng opisyal na bago ipatupad ang lockdown noong March 15 ay nagsimula na silang mag-imbestiga may kaugnayan sa pagbili ng 100,000 na test kits ng DOH at mga balita ukol sa paggamit ng UP invented test kits pero pinagpasa-pasahan lamang aniya ang kanilang mga imbestigador.
- Ang delayed na pagbili ng mga personal protective equipment o PPE para sa mga health personel at iba pang kailangang medical gears na pang proteksyon sa mga ito.
- Ang hindi agad pagbibigay ng mga nararapat na benepisyo at financial assistance sa mga nasawi at nagkaroon ng COVID-19 na health workers.
- Aang kalituhan at delayed na pag-uulat ng mga nasawi at kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Bilang partisipasyon sa imbestigasyon, hiniling ng Malacañang kay Duque at sa iba pa na makipagtulungan sa imbestigasyon at respetuhin ang mga kautusan ng Ombudsman.
“The Ombudsman, as we all know, is an independent constitutional body; thus, we will let the process run its course,” sabi ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang pahayag.
Matatandaang paulit-ulit na kinuwestiyon ang pamumuno ni Duque sa DOH sa kabila ng COVID-19 pandemic dahilan upang sisihin siya ng ilan para sa mataas na bilang ng mga kaso ng sakit sa bansa.
Noong Abril, 14 senador, kasama ang mga kaalyado ng administrasyon, ang naghain ng resolusyon na humihiling sa agarang pagbibitiw ni Duque sa kaniyang puwesto para sa “failure of leadership, negligence, lack of foresight, and inefficiency in the performance of his mandate.”
Sa kabila nito, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na na kay Duque pa rin ang tiwala niya.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM