SUGATAN ang walong katao matapos tumagilid ang isang dump truck na may kargang buhangin at mabagsakan ang sinasakyan nilang L300 van sa C-5 Eastwood sa Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.
Ayon sa driver ng dump truck, may motorsiklo na biglang kumaliwa kaya napakabig siya at nawalan ng balance ang truck.
Dahil dito, tumagilid ang truck at nabagsakan ang van.
Nayupi ang malaking bahagi ng van kaya kinailangang gumamit ng mga extricating tools gaya ng spreader at cutter para dahan-dahang maalis sa van ang mga pasahero nito.
Agad na isinugod sa ospital ang lahat ng sakay ng van, na karamihan ay nagtamo ng minor fractures sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Dinala na rin sa QCPD Traffic Sector 3 ang driver ng trak na posibleng maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to properties.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA