Dear Maestro
Una po sa lahat, binabati ko po kayong isang magandang araw, pati na rin po sa lahat ng bumubuo ng pahayagang Agila ng Bayan. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan.
Nais ko pong ipaliwanag n’yo ang aking napanaginipan na ako po ay namasyal sa Gaza at sa mga sphinx at pyramid sa Egipto.
Bale turista po ako sa aking panaginip kasama ang tatlong kaibigan— at potog po kami roon. Nakakaaliw po ang aming pamamasyal. Habang masaya po naming kinukuhanan ng litrato ang mga pananda at mayaman sa kultura’t kasaysayang mga bantayog, bigla pong may bumulwak sa tubig sa 500 metro namin. Umagos po ang tubig at dumaloy na parang ilog. Kaya, naging kagila-gilalas po ang tanawing iyon. Sobra po akong nag-enjoy. Ano po kaya ang ibig sabihin nun? Salamat po at more power sa inyong kolum. Nikka, 22 ng Bulacan. CP# 092399048++
Dear Nikka
Pinapahiwatig ng iyong panaginip na amuman ang dumating na pagsubok sa iyong buhay— malaki man o maliit, ay kaya mo itong harapin. Ikaw yung tipo ng taong kayang dalhin ang sarili at di pinakikita ang iyong kahinaan at pagkadismaya. Bagkus, nananatili kang nakangiti at maluwag na tinatanggap ito sa iyong kalooban.
Gayunman, ang mga iniisip minsan na pangit na bagay ay nagkakaroon ng kabuluhan at nagiging gantimpala pa pala. Ibig sabihin, suwerte ka sa mga bagay at mga magagandang pagkakataon na dumarating ng kusa sa iyo sa pamamagitan ng sopresa. Bukas din ang iyong palad sa mga nangangailangan at isang mabuting tagapayo.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA