Iniisa-isa ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang mga dahilan nang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Secretary Pascual na ang mataas na presyo ng fetilizer at ang mataas halaga ng elektrisidad ang nagko-contibute sa linggu-linggo pagtaas ng halaga ng bigas.
Naniniwala ang kalihim na upang matugunan ang problema ay kailangan aniyang ma-address ito sa pamamagitan nang pagkakaloob ng fetilizer subsidy sa mga magsasaka.
Bínanggit din ng Kalihim na posibleng may nagaganap na hoarding na dapat lutasin.
Kaugnay nito, sinabi ng Kalihim na pinag-aaralan na rin nila sasalakayin ang mga hinihinalang bodega na maaaring sangkot o gamit sa hoardings.
Samantala, nabatid rin sa Kalihim na ilulunsad ng DTI ang agricultural terminal sa paligid ng Metro Manila.
Nakatakda aniya siyang bumisita sa Nueva Vizcaya para sa launching ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal o NVAT.
Layon aniya nito na solusyunan ang price gap sa pagitan ng mga agri producers at mga consumers.
Makikipag-ugnayan din aniya sila sa Philippine Competition Commission para sugpuin ang mga pamamaraan ng mga negosyante para mapataas ang presyo ng kanilang mga produkto. Mayroon din aniyang inilunsad na digital app ang DTI na Philippine e-Commerce Platform o PEP para naman sa mga micro small and medium enterprise para mapalawak ang merkado ng MSMEs.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO