GINAWARAN ang Department of Trade and Industry (DTI ng prestihiyosong Red Orchid Award mula sa Deparment of Health (DOH) dahil sa kanilang outstanding commitment sa paglikha ng 100% tobacco-free workplace.
Ang nasabing pagkilala ay tanda ng isang makabuluhang tagumpay para sa DTI Region 6, na nakamit ang award sa kanilang unang attempt. Binibigyang-diin ang tagumpay na ito ang dedikasyon ng ahensiya sa pagpapaunlad ng health at wellness.
“We are incredibly proud of this achievement,” ayon kay DTI Region 6 Director Rachel Nufable, na siyang nanguna sa kampanya kasama si Finance and Administration Division Chief Judith Kelly.
“Our goal has always been to influence other offices and demonstrate our commitment to creating a safe, healthy work environment. Achieving the Red Orchid Award on our first submission is proof to our team’s hard work and dedication,” dagdag ni Director Nufable.
Ang paglalakbay ng DTI Region 6 patungo sa Red Orchid Award ay nagsimula nitong taon katuwang ang Iloilo City Anti-Smoking Taskforce (ICAST) at Public Health Office-Smoke Free Aklan.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA