November 3, 2024

DTI, DICT MAGKASANGGA SA TECH4ED PROJECT

Tinanggap ni DTI-3 Regional Director Leonila T. Baluyut ang laptop mula kay DICT-3 Regional Director Reynaldo T. Sy upang suportahan ang Tech4Ed program ng gobyerno. Ang laptop ay isa sa mga kagamitan na ibinigay sa DTI upang suportahan ang MSME development.

Bilang bahagi ng inter-agency effort upang tulungan ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa Central Luzon, nag-donate kamakailan lang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng isang set ng technical equipment package na magagamit sa bagong Tech4ED Center na matatagpuan sa DTI Zambales Negosyo Center sa Iba, Zambales.

Ang Tech4ED ang tumatayong teknolohiya para sa edukasyon, upang makalikha ng trabaho, sanayanin ang mga negosyante patungo sa economic development.

Pinangunahan nina Director Leonila T. Baluyut ng DTI-3 at DICT Luzon Cluster 2 Regional Director Renaldo T. Sy ang turnover ceremony noong Hulyo 2, 2021 sa training room ng DTI Negosyo Center sa naturang lugar.  Kasama rin sa seremonya at paglagda sa Memorandum of Agreement sina DICT TOD Chief Mario Aya-ay at DICT Zambales OIC Provincial Head Jeffrey Lazaro, gayundin sina DTI Zambales OIC Provincial Director Enrique Tacbad.

Kabilang sa donasyon ng DICT ay mga laptop, printer, router at iba pang essential technical equipment.

Dahil sa mga nasabing kagamitan na inilagay sa Negosyo center, magagamit ang Tech4ED Center para tulungan mapaunlad ang kakayahan ng MSMEs para online platforms at pagsasanay sa e-commerce. Ang promosyon sa e-commerce ay isa sa mga pangunahing tugon ng gobyerno upang tulungan na makabangon at maka-rekober ang MSME sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic.

“The Tech4Ed is a project of the DOST-ICT Office that aims to harness ICT to enable, empower and transform society creating an inclusive, integrated and equitable,” ayon sa DICT.