Inanunsiyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sisimulan na bukas ang pamahagi ng P500 ayuda o first tranche ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program.
Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, maaaring umabot lamang ng lima hanggang anim na araw bago maideposito ang cash aid sa cash cards ng mga benepisyaryo.
“Tumawag po sa akin nitong Sabado si (Pangulong Ferdinand Marcos Jr.) para kumustahin kung kailan maibibigay ang ayuda ng mga tao, sabi ko, ‘sa Lunes ng umaga po sir,’” ayon kay Tulfo.
Layon ng ahensiya na maibigay ang cash assistance sa 12.4 milyon na benepisyaryo.
“Makakatulong ang halagang ito para sa ating mga kababayan na mahihirap lalo na’t patuloy pa ring tumataas ang presyo ng mga bilihin dahil na rin sa krisis na kinahaharap ng buong mundo,” ayon sa kalihim.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna