January 23, 2025

DSWD: 952 centenarians mabibigyan ng P100-K ngayong taon

Kuha mula sa DSWD XII/FB

INAASAHAN na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aabot sa 952 centenarians ang mabibigyan ng P100,000 cash benefit mula sa gobyerno ngayong taon.

Mula June 15,  mayroon ng 289 centenarians ang nabigyan ng P100,000 kada isa.

Umabot na rin sa kabuang P560,900,000 para sa cash gift sa 5,609 centenarians sa buong bansa magmula 2016 hanggang 2019.

Pinuri naman ng DWSD field office sa Northern Mindanao ang lokal na pamahalaan ng Malaybalay City sa Bukidnon dahil sa ibinibigay nitong pangangalaga at atensiyon sa mga nakatatanda.

Isa na rito si Tomasa Manaran, 101, ng Barangay Simaya, Malaybay City, na nakatanggap ng cash gift sa social welfare officials na personal na inihatid at binati para sa kanyang kaaraawan.

“Sa buong Northern Mindanao Region (10), umaabot na sa 14 na centenarians ang nabigyan ng tulong ng DSWD Field Office 10, ayon sa post.

Tiniyak naman ng DSWD na nanatili pa ring epektibo ang ilan sa kanilang mga program sa kabila ng pagiging abala ng ahensya sa pamamahagi  ng Social Amelioration Program (SAP) para sa mga mahihirap na apektado ng COVID-19 pandemic.

Ginawa namang house-to-house delivery ng DSWD ang pamamahagi ng nasabing cash incentives dahil ikinukonsidera ng ahensya ang edad ng mga benipisyaryo maging sa ipinapatupad na protocol dulot ng COVID-19.

 “The scheme is also more convenient for them and their relatives especially that the government encourages seniors to stay at home as part of health and safety protocols,” ayon sa DSWD.