BINIGYAN-DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang ‘bloodless’ war against drugs na aniya’y higit na epektibo kumpara sa madugong giyera kontra droga ng nakalipas na administrasyon.
“On the fight against dangerous drugs, our bloodless war on dangerous drugs adheres, and will continue to adhere, to the established ‘8 Es’ of an effective anti-illegal drugs strategy,” ang pahayag pa ni Marcos sa kanyang talumpati sa ikatlong State of the Nation Address (SONA).
“Extermination was never one of them,” dugtong niya.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno sa gobyerno, ipinagmalaki ni Marcos na hindi niya pinahintulutan ang paggamit ng dahas.
Bilang patunay sa bisa ng umiiral na kampanya kontra droga, binanggit ng Pangulo ang kabi-kabilang operasyon kung saan pumalo sa P44-bilyong halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nasamsam ng mga operatiba — nang hindi na kailangan pang may dumanak na dugo.
Ito aniya ay bunga ng mahigit sa 71,500 anti-illegal drugs operation kung saan aabot naman sa 97,000 indibidwal ang naaresto. Sa 97,000 nadakip, 6,000 ang pasok sa kategoryang high-value target..
Dahil din sa matagumpay ng operasyon, pamulo na sa P500 milyong “dirty money at assets” ang na-embargo ng gobyerno.
Ipinagmalaki rin ni Marcos ang naitalang 79% drug conviction rate sa ilalim ng kanyang administrasyon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA