TIMBOG ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.
Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit S(DEU) kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, ikinasa nila ang buy bust operation kontra kay alyas Egay, 46, matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng shabu.
Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-9:32 sa M. Naval St., Brgy. Tangos South.
Ayon kay SDEU chief P/Capt. Genere Sanchez, nakuha nila sa suspek ang aabot 4.87 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P33,116.00 at buy bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA