BAGSAK sa selda ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang madakip ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng umaga.
Sa report ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng illegal na droga ni alyas ‘Dagul’42, pedicab driver at residente ng Brgy. Balangkas.
Agad na bumuo ng team ang SDEU saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek matapos umanong bintahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-7:00 ng umaga sa Kabesang Imo at Bignay Sts., Brgy. Balangkas.
Nakumpiska nila sa suspek ang humgi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P204,000, buy bust money na isang P500 bill at 8-pirasong P1,000 boodle money, P200 recovered money, cellphone at coin purse.
Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong pagpabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA