November 18, 2024

DRUG, GUN CASES VS KERWIN ESPINOSA BINUHAY NG CA

Iniutos ng Court of Appeals ang pagbuhay muli sa mga kasong illegal drug trade laban sa self-confessed drug dealer na si Kerwin Espinosa.

Aug. 14, 2020 idineklara ng Manila RTC Branch 26 na guilty si Espinosa ng illegal possession of firearms ngunit pinawalang sala sa dalawang kaso ng iligal na droga.

Sa 12 pahinang desisyun ng CA 12th division, hindi nabigyan ng due process ang prosekusyon upang iprisinta ang lahat ng ebidensya.

Dahil dito, isinantabi ng appellate court ang naging resolusyon ng Manila RTC sa dalawang kaso at inatasan na ituloy muli ang pagdinig.

“Accordingly, the cases are remanded for the continuation of the consolidated trial on the merits,” ayon sa CA.

Nakakita ng merito ang CA sa argumento ng Office of the Solicitor General na nagkaroon ng grave abuse of discretion at paglabag sa karapatan sa due process.

Sinabi ng prosekusyon na hindi inihayag sa desisyon ng Manila RTC na nagkaroon ng pinag isa na ang pagdinig sa sa tatlong kaso.

Nakita ng CA sa rekord na natapos ng prosekusyon ang depensa nito sa isa sa tatlong kaso lamang. Hindi rin agad na kwestyun ng prosekusyon ang usapin dahil hindi sila nabigyan ng video conference link sa promulgation ng kaso.