January 24, 2025

Drivers & cameramen nabayaran kaya ng TV network?

NANAWAGAN dati ang may tinatayang 460 agency-hired contractual drivers and assistant cameramen ng isang TV network na siguruhing tama at patas ang separation pay nila sa harap ng kanilang nakatakdang retrenchment.

Worried sila na baka hindi sila bayaran ng separation pay ng network at ng manpower agency. 

Mukhang kamag-anak din umano kasi ng management ang may-ari ng manpower agency na principal employer ng mga drivers and assistant cameramen. 

Ang modus, umiiwas ang network na mag-regularized at mag-directly employ ng mas maraming mga manggagawa by availing the services of these manpower service providers. In short, kumikita na ang management habang kumikita din ang mga kamag-anak na may-ari ng manpower agencies. 

Aside from separation pay, hinihirit din nila na bayaran ang kanilang overtime na naiipon sa loob ng maraming taon na pagseserbisyo. 

Hindi lang siguro drivers and assistant cameramen ang kakamustahin natin. Alamin natin these days kung maayos ang separation payments ng iba pang retrenched employees nito.